close

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Siya si Lo Ya-Ling, itsura niya ay parang pangkaraniwan na babaeng Taiwanese pero nakatago sa kanyang looban ang isang matinding pagnanasa sa kultura ng mga ibang dayuhang bansa. Sa mga napuntahan niyang ibang bansa, ang Pilipinas na pinagpalaan ng Diyos ang kanyang paborito. Bukod sa madalas na pagpunta at pamamasyal sa Pilipinas, mayroon din siyang blog sa internet kung saan niya nilalagay ang mga ulat ukol sa kulturang Pilipino upang makilala ng mas marami pang tao ang kagandahan ng bansang ito na may libo-libong isla. Si Ya-Ling ay sumali sa kursong pag-aaral ng salitang Tagalog na itinuturo ni Titser Michael Ty at si Ya-Ling ang kumanta ng kantang “Bakit” sa programang “Singing in Taiwan”. Nasa ilalim ang kwento ng kakaibang relasyon ni Ya-Ling at ng Pilipinas.
她是羅雅玲(Lo Ya-Ling),外表看起來是位平凡的台灣女生,但內心潛藏著一股對異國文化無比嚮往的熱情。而在她去過的國家中,受到天主賜福的菲律賓就是她的最愛,除了動不動就飛去菲律賓旅遊外,她還在網路開設菲律賓旅遊討論區,致力在台灣推廣菲律賓文化,讓更多台灣人了解這個千島之國的魅力。雅玲除了有參加鄭謀益老師的菲律賓語課程外,也在前面提到的「唱四方」節目演唱菲律賓歌《Bakit》,以下就是她與菲律賓結緣的故事與經過。

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ulat at larawan: Lo Ya-Ling
Tagasalin: Angie Tan
圖文/羅雅玲
翻譯/陳慈治


Disyembre 24, 2006 Bisperas ng Pasko, ako ay dumating sa Boracay. Mula sa nakatakdang 3 araw at 2 gabi na biyahe, hindi ko namalayan at naging kalahating buwan. Bukod sa puntahan ang mga tourist spots, mas gusto ko ang maranasan ang local na kabuhayan. Mula Boracay, sumakay ng sasakyan papuntang Iloilo saka sumakay ng bangka papuntang Bacolod. Sumakay ng motorsiklo papunta sa holiday resort sa bundok na punong-puno ng paniki, sa malayong tingnan ay parang itim na pato, parang nag-magic. Napunta rin sa Kabankalan sa bundok kung saan wala kang makitang dayuhan, sa baryong Tapi na nakatago sa libliban ng mga tanim na kawayan, baryong halos lahat ng bahay ay gawa sa kawayan at kahit sa anong oras ay maaring makikain sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan, paglubog ng araw, sa dilim lumalakad at kumikilos ang lahat ng tao at wala namang kinakatakutan dahil bahagi na iyan ng buhay rito, samantalang para sa katulad ko na lumaki sa siyudad ng Taipei sa Taiwan, ang bawat bagay rito ay isang bagong karanasan sa buhay.
2006年12月24日聖誕夜,我踏上了長灘島,原本3天2夜的行程,不知不覺變成半個月。除了觀光勝地外,我更愛體驗當地生活,一路從長灘島坐車到Ilo Ilo,再搭船到Bacolod,騎機車跑到滿山谷都是蝙蝠的渡假勝地,遠遠看去黑鴉鴉一片,真像在演大法師。我也去到Kabankalan近郊沒有外國人的山上,進到一個隱於竹林的村落Tapi,那是個用竹子搭建房屋的村落,在那地方隨時可以到認識的親友家享用食物。天一黑,大家就在黑暗裡穿梭,也不覺得有什麼可怕,因為是生活的一部分,然而對我這個生長在台灣台北都會區的外國人來說,每一項都是新的生活體驗。


Biyernes ng gabi sa may plaza, ako ay namangha sa nakita naming mahigit sa isandaang mga kabataan na nagsasayaw at naghahanda para sa paligsahan sa Kabankalan kinabukasan. Nakakapanghinayan na wala akong dalang gamit na pang-video. Kinabukasan, kami ay bumaba mula sa bundok at pumunta sa Kabankalan upang sumali sa Pista ng Santo Nino. Ang mga tao sa kalsada ay nakasuot ng kanilang traditional costume at magkakilala man o hindi, ay masayang nagsisipaglagay ng itim na abo sa mukha ng isa’t-isa. Sa may bundok sa Tapi, ako ay nakasali pa sa kasal ni Uncle sa simbahan, sa kinagabihan bago ang araw na iyon, kasama ko ang partido ng babae na nag-ayos ng simbahan habang ang mga lalaki ay nagkakatay ng baboy at kambing sa kabilang panig. Sa mismong araw ng kasal, ako na hindi nakakaintindi ng kahit na isang salitang Tagalog, ay pinaglakad sa pulang karpeta hanggang sa harapan ng altar upang sindihan ang kandila. Tutoong isang sorpresa na may kasamang pagsabik at nerbiyos. Kasunod dito ang handaan na ginanap sa bahay ng babaeng ikinasal, sa may kubo sa taniman ng tubo. Ang trak ay dumaan sa baku-bakong daan sa bukid. Ang nakatayong sumakay sa trak ay kasing-exciting tulad nang sumasakay sa roller coaster.
週五夜,在廣場看著上百名的青少年練習隔日要在Kabankalan比賽的傳統舞蹈,為之震撼,可惜當時沒有帶錄影設備。隔天我們也下山到Kabankalan參加聖嬰節,街道上都是穿著傳統服飾的人們,不管認不認識,都可以開心地把對方的臉塗黑。在Tapi山上,我還參加了小uncle的教堂婚禮,前一晚我跟著女眷們在教堂佈置,男丁們則是在另一頭殺豬宰羊。婚禮當天我這個一句菲律賓語都聽不懂的外國人,被分配到要走過紅地毯去教堂前面點蠟燭,真是既驚喜又期待卻又緊張。接下來的婚宴,則是在新娘的娘家,甘蔗田裡的小茅屋。卡車開在凹凸不平的甘蔗田裡,站在卡車上的,就像坐雲霄飛車一般的刺激。


Dahil sa pagtatawag ng Pilipinas, hindi pa nakaraan ang dalawang buwan nang ako ay muling bumalik sa Pilipinas. Pumunta sa kanluran ng Luzon sa Pangasinan. Ang pinakamagandang paraan na magpalamig ng katawan sa mainit na panahon ay sumama sa mga batang tumalon at maglaro sa tubig sa tabi ng bahay. O magdala ng Coke sa tabing-ilog at maranasan ang pagrerelaks at tahimik na buhay. Sa bahay ni Uncle sa bundok, hindi kailangan ang alarm clock. Dahil ito ay gawa sa yero, alas otso o alas nueve pa lamang ay magigising ka na sa init ng araw. Paggising pa lamang ay magsisimulang maghanda na ng pagkain. Sa kabilang bahay ay maaring makabili ng isang supot na punong-puno ng kamatis sa 20 piso lamang o di kaya ay mamitas ng mangga sa bahay ni Lola. Ang mangga rito ay ang pinakamasarap na manggang nakain ko sa buong buhay ko. Pati na ang kaibigan namin na taga-Maynila ay nagsabing hindi pa siya nakakain ng ganyang kasarap na mangga. Lahat kami ay nagsikain ng tanghalian sa ilalim ng malaking puno. Pagkatapos ay mayroong isang baso ng malamig na juice ng buko. Oras ng siesta, lahat ng tao sa baryo ay nagtipon para maglaro ng Bingo. Kapag gutom na ang tiyan, maaring bumili rito sa lugar na tila walang tao ng fish ball, halo-halo at balut para sa merienda. Pumunta rin kami sa islang walang taong nakatira sa malayong lugar. Pwedeng kunin ang mga sea urchin na nasa tabing-dagat. Eat-all-you-can. Pagpunta sa barko ng mangingisda, nakabili ng isdang mas malaki pa sa binti at 250 piso lamang.
因為菲律賓的呼喚,不到2個月的時間,我又回去了,這次去到了呂宋島西邊Pangasinan。當地天氣熱最好的消暑良方,就是跟著孩童們跳下房屋旁防波堤防玩水,要不就是提著可樂到河邊體驗什麼叫枕石潄流。山上的Uncle家,不用鬧鐘,因為是鐵皮屋的關係,太陽公公大概在8~9點就會把你熱醒。一醒來就是開始準備食物,到隔壁鄰居家用20peso就可以買到現採的茄子滿滿一袋,或者到lola(阿嬤)家採芒果,這裡的芒果是我這生中吃過最好吃的芒果,連馬尼拉來的當地友人,也說沒吃過這麼好吃的。我們一群人在大樹下用午餐,接著來上一杯現採的冰涼椰奶汁,小睡片刻,就是村裡人聚在一起玩的bingo遊戲,肚子餓還可以在這看似無人的山上,買到fish ball(魚丸)、halo-halo(八寶冰) balut(鴨仔蛋) 當點心。我們也會去世外桃源的無人島,海膽就在淺海沙灘上直接拿起來,免費吃到飽,或是直接到漁船上,買到比大腿還大的魚才250peso。


Ako ay nakarating din sa Summer Capital – Baguio. Sumakay kami ng biyaheng panggabi at dumaan sa Zigzag Road sa bundok. Pumunta rin ako sa Banaue para makita ang world heritage na mga taniman sa bundok (Rice Terraces). Napunta rin sa Bohol Island para makita ang sikat na Chocolate Hills at ang pinakamaliit na tarsius monkey sa buong mundo, nakakagiliw. Sa Visayas, sumakay sa laging sinasakyan na transport vehicle ng mga tao roon – ang bangka o barko, palipat-lipat sa Iloilo, Bacolod, Cebu at Bohol Island. Natulog sa sahig na tulugan sa barko, pakikipagkuwentuhan sa tao sa kalapit, naranasan ang buhay ng mga tao rito.
我也到了避暑勝地Baguio 碧瑤,還搭著夜車經過沿途蜿蜒崎嶇的山路,到了Banaue 巴拿威,去看世界遺產的梯田。我也到薄荷島看了著名的巧克力山和全世界最小的眼鏡猴,超可愛的。在Visayas維薩亞斯群島,搭著當地人常用的交通工具-船,穿梭在Ilo Ilo、Bacolod、Cebu宿霧、Bohol薄荷島間,睡在船上的通舖,和附近的人聊聊天,體驗當地人的生活。

Ang manager ng local hotel sa Boracay ay naging Mama Annie ko at sa kanyang araw ng pahinga sa trabaho, isinama niya ako sa kanyang bahay sa Luzon. Pagdating sa kanyang bahay, dito ko na lamang naintindihan ang salita sa Intsik ukol sa bahay na walang kagamitan kundi ang mga dinding lamang. Ang sabi niya: Nahiya siyang magdala ng tagadayuhan dito ngunit alam niyang walang siyang problema sa akin. Kung kaya kami ay sumakay ng bus mula sa Boracay papuntang Maynila. Nakakapagtaka, di ba? Dahil pagdating ng bus sa pier, pumapasok ito sa loob ng barko at bumababa muli pagdating sa ibang lugar. Pumunta ulit sa iba pang pier, ang bus ay sumakay ulit sa barko at bumaba ulit pagdating sa ibang isla. Ganito, nakaraan ang 12 oras at gumastos ng PHP750 para makaabot sa Maynila. Matapos ay nagpalit pa ng ilang jeepney bago nakarating sa kanyang tirahan sa Bulacan. Sumunod, dito ako nakatikim ng pinakamasarap na sabaw na Bulalo sa palengke sa Laguna. Araw-araw kong binalikan at kumain ng isang bowl. Ang buhay ng tao ay maaring maging ganyan kasimple ngunit masagana. Dito nagpalit ang aking pagtingin sa pagpapahalaga sa buhay.
長灘島的民宿管理者變成我的乾媽Mama Annie,趁著她休假,帶著我回到她在呂宋島的家。到了她家,我才瞭解書上形容的「家徒四壁」是長什麼樣子,她說:她不好意思帶外國人來,但她知道我沒關係的。於是我們從長灘島坐巴士回馬尼拉,神奇吧!因為巴士到了碼頭會開進船艙內,然後到了另一個島後再下船,再到另一個碼頭,巴士再上船,然後到另一島再下船行駛,就這樣花了12小時和750PESO到達馬尼拉。當然,之後還換了一堆Jeepney才能抵達她家Bulacan,之後我也在Laguna菜市場吃到最好吃的牛雜湯,每天都要來上一碗。人生可以這麼的簡單而富足,我的價值觀為之翻轉。

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ukol kay Lo Ya-Ling
羅雅玲小檔案

Limang beses nang nakapunta sa Pilipinas at kapag isumo ang lahat ay may kalahating taon siyang nasa Pilipinas.
Bagay na Aking Pinagmamalaki: Sumali sa 2008 Taipei Beef Noodles Festival at nagtamo ng Most Innovative Award sa inihanda niyang Filipino Style Beef Noodles.
Ang Paborito Kong Pagkaing Pilipino: Sisig. Kasama ako sa tradisyonal na pagluto nito sa bahay ng aking uncle sa Iloilo. Komplikado ngunit masarap.
Pagkaing Pilipino na Hindi Ko Kinakain: Wala, pati ang balut ay gusto kong kainin dahil ang aking kaluluwa ay nasa Pilipinas!
去菲律賓的次數:總共五次,加起來待了半年。
最得意的事情:參加2008年的台北牛肉麵節國際邀請賽,以菲律賓風味的牛肉麵拿到最佳創意獎。
最喜歡吃的菲律賓食物:Sisig,我在Ilo-Ilo的uncle家參與傳統的製作過程,好繁複也好好吃。
不敢吃的菲律賓食物:沒有,我連鴨仔蛋(Balut)也愛吃,因為我的靈魂在菲律賓!

資料來源:四方報
在山上的河裡抓魚, 用草當繩把魚串在一起
arrow
arrow
    全站熱搜

    makiyolo 發表在 痞客邦 留言(0) 人氣()